Friday, October 01, 2004

DUDA/PANGAMBA

Duda/Pangamba

Emilson A. Goco


Hindi biro ang mag-isip sa kawalan.

Hindi biro ang mag-isip
Sa kawalan ay lulubayan mo ang kalahati ng
Espiritu – sa tangkang pag-aninag sa anyo ng damdamin

Mapusok ang damdamin, mahigpit
May tumitibok sa uhaw na pandama
Sa pandama nga
Oo – kaya kaiingat
Kaiingat ka sa tusong pagsinta

Ang pagsinta ay duda sa sariling pandama
Tuso ang pagsinta
Tuso ang pandama
Tuso ang sarili

Kaya kaiingat.
Lumingon sa aprating na kahapon
Luminga sa hidni inaasahang pagbalik
Ng nakatakdang nakaraan
Harapin ang kasalukuyan sa kawalan

Hidni biro ang mag-isip sa kawalan
Sa kawalan ay huhubdan ang kabuuan ng
Katawan – sa tangkang pag-armas sa imahe ng pagsuyo

Mapagpanggap ang damdamin
Aasahan mong may kulang ang kalahati ng
pagsuyong sa pagsinta ay hinubdan sa kadiliman ng kawalan
May simbolo ang pagdududa


Ang pagdududa at/sa kawalan


07 Hulyo 2004
11:49 n.u.

1 Comments:

At October 3, 2004 6:00 AM, Blogger Brendskie said...

As usual what do I expect from this guy but a very deep message on his poems! words were very deep and hard to interpret, Hindi ko nanaman maintindihan but the creation now is better, mas malalim po ang mga salita at mas puno ng damdamin. well congrats pare, hindi na naman mawari ng aking isipan ang iyong inilathala sa blog mo.....

 

Post a Comment

<< Home